Tuesday, April 19, 2005

For People My Age...

A friend found forwarded this to me today... Can't stop laughing!! Bukingan ba ng edad ito or what? I know some people are embarassed of their age. Not me! Sorry na lang for those born later because they missed all of this!! (Syempre love your own age group.)

Anyways, this is for all those who CAN recall and for all the others who can recall hearing their thirty-something friends recall these things... Enjoy!

*kumakain ka ba ng aratilis? oo naman, napuwing pa ako sa ilalim ng puno ng grade one ako... alam ni sharon ang kwentong ito, hindi ba ship???

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? wag kalimutan ang TIDE at ang pesky kapitbahay kalaro na feeling expert sa chemical compound na ito

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?at ang lagi nyang panakot ay: "sige ka, isusunod ko na sa yo ang mga damit mo pag lumabas ka pa!"

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik? saksak-puso? duh... how violent naman that game!!

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? n.o.t.a. ako dito kaya ngayon ako bumabawi with my gadgets, ehehehe

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right, left, right, a, b, a, b, start? uh... hindeee?!!

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalalamo si Richard Gomez? at ang rowing commercial na may umaalingawngaw na boses sa background?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my littlepony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog? wag kalimutan ang TRANSFORMERS!! wengkk-engkk-engkk-engk-engk! optimus prime RULES!

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo siannie at type na type mo ang puting panty nya? uh... i'm afraid annie doesn't work it for me... although may kakaibang dating ang "time space warp, ngayon din!"

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka natalaga ng 5.25 na floppy disk? you know i've heard of those things?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...nung high school ka inaabangan mo lagi beverlyhills 90210? kiko matsing-pong pagong forever fans club ako noh!! excuse me!

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo? ohhh, yesss!!! i even had the balakubak that came with it.

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kunglalake ka? i thought it made me look seksi pero nagmukha lang akong patpatin na brazilian football player

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? in short, ang mga babae sa pilipinas, grade three pa lang naghahanap na ng papa?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsitgirls? e si luning-ning at luging-ging? kay pong pagong pa din ako! give me those orange sneakers ANYTIME!

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di momakakalimutan ang time space warp chant? everybody say with me... "Time Space Warp... NGAYON DIN!" Bow.

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? at alam mo ang kanta ni dingdong avanzado na tatlong bentesingko? at kilala mo si chenee de leon na kalove team niya nun?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref? na ang tawag ng lahat ay "pridyider"?

*meron kang pencil case na maramingcompartments na pinagyayabang mo sa mgakaklase mo? hindi lang yun, and sharpener mo ay yung may tangkay na iniikot!

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory? actually hanggang ngayon, i still believe there is such a place...

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak atyung diyes na square? correction.... hindi daw diyes yun. sampera daw according to my friend.

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng perayung batang umakyat ng puno para bumili ngpanty... and shempre, alam mo rin ba kung anobinigay nya sa nanay nung umakyat ng puno? uhm... hindi ko to alam actually. masyadong wholesome ang mga bedtime stories ng nanay ko sa kin.

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin? alin dun?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pagpinapawisan ka? huwag kalimutan ang twalyang may "Good Morning!!"

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubblegum... tira-tira, at yung kending bilog nasinawsaw sa asukal? e naalala nyo pa ba ang munchies, white rabbit at rolling stones?

*idol mo si McGyver at nanonood ka ng perfect strangers? Wala kayo sa kin, kaya nyo bang ipiano ang McGyver theme? ha? haaa??!!

*eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati? Sorry can't relate. Nasa backlog kami eh. ;-p

No comments: