Meron lang akong dagdag na pabaon sa inyo para lalong di nyo malimutan, ang UP nating mahal. Ito ang pitong mga bagay-bagay tungkol sa buhay na natutunan ko sa UP:
- Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.
- UP lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.
- Sa IKOT, puede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may sayad ka.
- Sa UP, lahat tayo magaling. Aminin nating lahat na tayo'y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo magaling!
- Kung sa UP ay sipsip ka na, siguradong paglabas mo, sipsip ka pa rin.
- Sa UP, tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng isipan, sa pag-iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan, sa kalokohan at sa katarantaduhan.
At ang panghuli...
- Sa UP tulad sa buhay, bawal ang overstaying.
Maraming salamat po!
No comments:
Post a Comment